Calendar
‘Manyak’ sa Marikina huli, naka-lock up sa Caloocan
TIMBOG ang 32-anyos na tambay na wanted sa pangma-manyak sa menor-de-edad na biktima sa Marikina City nang mabistong nasa isang bahay sa Caloocan City noong Biyernes ng gabi.
Isinagawa ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili ang pagdakip kay alyas “Mando” dakong alas-8:00 ng gabi nang inguso ng impormante ang kanyang tinutuluyang bahay sa Barangay 177 Camarin, North Caloocan.
Hindi na nakapalag ang suspek nang isilbi sa kanya ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) ng NPD ang warrant of arrest na inilabas ng Marikina City Regional Trial Court (RTC) Branch 168 para sa kinakaharap niyang kasong Statutory Acts of Lasciviousness na may katapat na piyansang P180,000 para sa pansamantalang paglaya.
Pinuri naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Officer-in-Charge P/BGen. Christopher Abrahano ang mabilis na aksiyon ng NPD sa pagdakip sa akusado na pansamantalng nakapiit sa Custodial Facility ng NPD.

