Negosyante

Babaeng negosyante timbog sa bouncing checks

35 Views

NAARESTO noong Sabado ng mga pulis sa Lipa City ang 51-anyos na babaeng negosyante na kabilang sa mga most wanted sa Brgy. 1, Lipa City dahil sa paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 (Bouncing Checks Law)

Ang suspek, may asawa, tubong-Bauang, La Union, at residente ng Casa Guadalupe Subdivision, Brgy. Inosluban, Lipa City.

Isinagawa ang pag-aresto batay sa limang warrant of arrest na kinasasangkutan ng 10 counts ng paglabag.

May inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng P816,000 para sa temporary liberty ng suspek.

Ang mga warrant ay inilabas ng Presiding Judge ng Municipal Trial Court in Cities, Branch 1, Lungsod ng Lipa, Batangas.

Isinagawa ang operasyon sa pamumuno ni PLt. Col. Aleli Cuyan Buaquen, chief of police ng Lipa.

Ang suspek ay nasa kustodiya ng Lipa CCPS para sa dokumentasyon.

Tagumpay ang operasyon dahil sa koordinasyon ng mga operatiba at sa mahalagang tulong mula sa Barangay Information Network (BIN) batay sa direktiba ni PCol. Oliver Ebora, director ng Batangas Police Provincial Office, na palakasin ang pagpapatupad ng batas, panatilihin ang kaligtasan ng publiko at itaguyod ang paghahari ng batas.