Calendar
Source: PCG
DENR sa mga tauhan: Imbestigahan oil spill sa Bataan, mag-coordinate sa PCG, LGUs
AGAD na inatasan ni Environment Secretary Juan Miguel Cuna ang regional at environmental management teams na makipag- coordinate sa Philippine Coast Guard (PCG) at local government units para ma imbestigahan at maiwasan ang pinsala ng oil spill sa karagatang ng Mariveles, Bataan.
Iniutos din si Cuna ng rapid assessment sa mga apektadong lugar at pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang upang maiwasan ang karagdagang pinsala sa kapaligiran.
“The DENR is closely monitoring the cleanup operations and ensuring that responsible parties comply with environmental laws and accountability measures. The agency remains committed to protecting coastal ecosystems and safeguarding affected communities,” ani Cuna sa kanyang pahayag bagamat wala pa siyang tinutukoy kung sino ang responsable nito.
Ang Philippine Coast Guard (PCG) ay nag-deploy para makumponi ang oil spill.
Ang Provincial Disaster Risk Reduction at Management Office, at PCG ay nag-mobilize ng pitong absorbent booms at 2,200 absorbent pads para suportahan cleanup operations.
Ang mga representatives mula PCG, Municipal Agriculture Office of Mariveles, at Barangay Ipag, ay nag install ng oil spill booms sa apektadong shoreline para macontrol at maiwasan ang pagkalat ng itinapong langis noong Sabado.
Lumipat na sa monitoring operations ang PCG matapos makakolekta ng 1,660 kilograms ng oil-contaminated materials sa Barangay Ipag, Mariveles, Bataan, hanggang alas-5 ng hapon nitong Nobyembre 7, 2026.
Ayon sa PCG, nasa 83 sako ng nakolektang materyales ang dinala sa isang lokal na transfer station sa Mariveles para sa pansamantalang imbakan. Inaasahang ililipat ang mga ito sa isang accredited oily waste collector at treatment, storage, and disposal facility para sa wastong pagproseso at disposal.
Bandang alas-2 ng hapon, nagsagawa ng joint inspection ang PCG response team at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Mariveles sa mga karagatang nakapaligid sa apektadong lugar.
Sa isinagawang inspeksyon, wala nang nakitang oil sheen o manipis na patong ng langis sa ibabaw ng tubig, dahilan upang ilipat ang operasyon mula sa aktibong oil spill response tungo sa patuloy na pagbabantay sa lugar.

