Vape

NBI nasukol 2 suspek sa pagbebenta ng illegal vape products

Jon-jon Reyes Nov 10, 2026
32 Views

INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Lucena District Office (LUCDO) ang dalawang suspek sa pagbebenta online ng mga vape products na walang BIR tax stamp sa entrapment sa fast food chain sa Lucena City.

Naaresto sa akto ang mga suspek matapos ang meet-up at nakumpiska mula sa kanila ang 1,000 piraso ng mga vape product na may kabuuang halagang P155,000.

Isasailalim sa inquest proceedings sa Lucena City Prosecutor’s Office ang mga subject dahil sa paglabag sa RA 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.