PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Showbiz
SB19 magpapakitang-gilas sa Coachella 2027
Ian F Fariñas
Nov 11, 2026
81
Views
Muling iwawagayway ng P-pop Kings na SB19 ang bandila ng Pilipinas sa global stage, this time, sa Coachella Valley Music and Arts Festival na gaganapin sa Empire Polo Club sa Indio, California mula April 9-11 at April 16-18, 2027.
Matatandaan na unang nagpakitang-gilas ang grupo nina Pablo, Stell, Ken, Josh at Justin sa iconic Lollapalooza sa Chicago noong July kasunod ng debut ng Nation’s Girl Group na BINI sa Coachella noong Abril.
Matapos iyon, pareho ring nag-debut ang dalawang sikat na P-pop groups sa Summer Sonic Festival sa Osaka at Tokyo, Japan noong Agosto.
Gaya ng BINI, sa ikalawang araw ng two-weekend Coachella event magpe-perform ang SB19 — April 10 at 17.
Pormal na inilabas ng Coachella at SB19 ang opisyal na pahayag ukol dito sa kanilang respective socmed pages nitong Miyerkules, November 11.
Kabilang sa mga sikat na international figures na magpe-perform sa unang araw ng Coachella sina Dua Lipa, Madonna, Zara Larsson at Jisoo. Si Tame Impala naman ang headliner sa ikalawang araw pati na sina Weezer at Phoebe Bridgers.
Sa ikatlong araw naman naka-schedule ang American singer-songwriter na si SZA kasama sina Don Toliver at Kygo.
Sa isang pahayag na inilabas sa press, inamin ng group leader na si Pablo na, “From the very beginning, we’ve always dreamed of bringing Filipino music to places we once only imagined. To now have that dream become a reality, with A’tin beside us every step of the way, is something we’ll never take for granted.”
Noon pa man ay aminado na ang grupo, partikular na si Justin, na target talaga nilang makapag-perform sa Coachella at Lollapalooza.
Ani Stell, “Now we’re actually making it happen, and that’s something we don’t take lightly. Thank you so much to everyone who continues to support us.”
Dagdag niya, “Of course, we won’t go there just for leisure. We’re preparing something, so watch out!”
Handang-handa naman daw ang SB19, sey ni Ken, sa napipinto nilang pagtungtong sa Coachella stage.
“Oh, let’s do this!” aniya, “Preparing for Coachella is definitely going to push us in new ways. Lollapalooza taught us a lot, and we’re bringing those experiences with us as we take on this next milestone. We know we can do more, and we’re excited to show everyone just how far SB19 can go.”
Netizen fans naloka sa kina Lloydie, Ellen
Nov 15, 2026
PH wagi sa 1st Eurovision Song Contest Asia 2026
Nov 15, 2026
Rating ng 8 sine inilabas ng MTRCB
Nov 11, 2026

