Calendar
Netizen fans naloka sa kina Lloydie, Ellen
Halos maloka sa kilig ang fans nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa palitan ng mensahe ng dalawa sa social media.
Proud kasing iflinex ng dating aktres ang first TV commercial ng anak nilang si Elias kasama si Lloydie with matching tribute sa aktor.
Sa caption ay ipinagmalaki ni Ellen na noong bagong panganak siya kay Elias ay inalagaan sila nang husto ni Lloydie at ni hindi raw siya hinayaan nitong magpalit ng diaper sa kanilang baby dahil nagpapagaling pa siya that time.
Aniya pa, namana ng anak nila ang pagiging caring at maalaga ng ama nito.
Sa caption pa lang ni Ellen ay napakarami nang kinilig, pero mas nagkagulo ang netizens nang biglang magkomento si Lloydie.
“Love you Len,” ang sey ng aktor na talaga namang pinagpiyestahan ng netizens.
Reply ni Ellen, “Ingat kayo Jan! YOLO muna ako dito kaw muna bahala Kai Elias lol.”
Halos iisa ang komento ng netizens na super-kilig sila at inudyukan ang dalawa na magbalikan na lang.
Pero nagbigay agad ng paglilinaw si Ellen sa pang-uurot ng fans.
“Uuui, parang nafa’fall ulit ang mommy ellen sa daddy john lloyd.. luvit!” komento ng isang netizen.
Sinagot naman ito ng dating aktres at sinabing good friends na lang talaga sila ni Lloydie.
“Luhh. We are just really co parenting and good friends and we are really better off like this,” sey ni Ellen.
Pero ayaw pa rin talagang tumigil ng shippers ng dalawa at sey nila, tadhana lang ang nakakaalam kung sila pa rin ba talaga ang magiging endgame ng isa’t isa.

