Chef

Chef naglinis ng sushi chiller sa kusina ng resto, nakuryente, dedo

34 Views

PATAY ang isang 43-anyos na chef matapos umanong makuryente habang nililinis ang sushi chiller sa kusina ng isang Japanese restaurant sa Quezon City.

Kinilala ang biktima sa alyas na “Sammy,” 43, binata at residente ng Brgy. Payatas, Quezon City.

Sa ulat ng Kamuning Police Station (PS-10) ng Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente bandang alas-11 ng gabi noong Nobyembre 11 sa restaurant na matatagpuan sa kahabaan ng Tomas Morato Brgy. South Triangle.

Batay sa imbestigasyon, nililinis ng biktima ang sushi chiller sa kusina nang bigla itong mawalan ng malay at bumagsak sa sahig.

Agad siyang isinugod sa Capitol Medical Center ngunit hindi na rin naisalba at idineklarang patay bandang alas-4:06 ng madaling araw nitong Nobyembre 15.

Ayon sa attending physician, namatay ang biktima dahil sa fatal arrhythmia secondary to electrocution.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.