Just In

Calendar

November 2026
M T W T F S S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
Sunog

PWD ‘naihi’, bumalik sa nasusunog na bahay, tsugi

4 Views

PATAY ang isang 45-anyos na lalaking person with disability (PWD) matapos umanong bumalik sa nasusunog nilang bahay upang umihi sa Barangay Capri, Novaliches, Quezon City, Linggo ng umaga, Nobyembre 15.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong alas-8:19 ng umaga at naapula bandang alas-10:35.

Nakalabas na umano ng bahay ang biktimang si alyas Christopher kasama ang kanyang pamilya nang bigla itong bumalik sa loob nang hindi namamalayan ng kanyang mga kaanak.

Nang tuluyang maapula ang apoy, natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng nasunog na bahay.

Samantala, nagtamo naman ng mga paso sa mukha at katawan ang isa pang lalaki na nagtangkang apulahin ang apoy.

Ayon dito, nakaamoy siya ng nasusunog matapos lumabas ng banyo at nang silipin ang silid ay nakita ang lumang extension cord na nagliliyab at pinagmulan umano ng mabilis na pagkalat ng apoy.

Sampung bahay ang natupok sa sunog, dahilan upang mawalan ng tirahan ang 41 pamilya o 131 indibidwal na pansamantalang inilikas sa evacuation center.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian.