Exam1 Larawan: Professional Regulation Commission/FB

814, pasado sa Chemical Engineers licensure exam

94 Views

Pumasa ang 814 sa kabuuang 955 examinees sa November 2026 Chemical Engineers Computer-Based Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC)

Isinagawa ang pagsusulit sa National Capital Region, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales at Tuguegarao. Inilabas ang resulta isang araw ng trabaho matapos ang huling araw ng examination.

Nakapagtala ng 100% passing rate ang ilang paaralan, kabilang ang University of the Philippines-Diliman at University of San Carlos, kung saan lahat ng 59 at 40 examinees, ayon sa pagkakasunod, ay pumasa. Kabilang din sa mga paaralang may perpektong passing rate ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, De La Salle University-Manila, Ateneo de Davao University at Xavier University.

Nanguna sa pagsusulit si Timothy John Alcantara Jala ng University of San Carlos matapos makakuha ng 93.30% rating.

Simula Disyembre 21, 2026, magbubukas ang online registration para sa issuance ng Professional Identification Card at Certificate of Registration sa website ng PRC. Iaanunsyo pa ang petsa at lugar ng oath-taking ceremony.

Maaaring ma-access ang listahan ng mga nakapasa sa pamamagitan ng link na ito: https://drive.google.com/file/d/1vkkZrG2BCWkd3urKMoALjZFzAcWMyK2T/view.