Dolor

P4.7M pondo ipinagkaloob ni Gov. Dolor sa DepEd OrMin

Helen D. Prado Nov 20, 2026
95 Views

ORIENTAL Mindoro–Ipinagkaloob ni Gob. Humerlito Dolor kay Oriental Mindoro Schools Division Superintendent Maria Luisa Servando ang mahigit P4.7M pondo noong Miyerkules upang maisakatuparan ang Palaro Oriental Mindoro 2026 sa Disyembre.

Ayon kay Gob. Dolor, ito ang paunang tulong ng pamahalaang panlalawigan bilang suporta sa pagpapalakas ng kakayahan at kasanayan ng mga atletang Mindoreño sa iba’t-ibang sports.

Bilang pangunahing abala sa pagdaraos ng Palaro 2026, malaking tulong ito sa Department of Education (DepEd)-Oriental Mindoro Division upang higit na maayos at mas matagumpay na maisagawa ang mga makabuluhang gawaing nakapaloob dito.

Saksi sa gawain sina OIC School Governance and Operations Division Chief Dr. Eddy A. Dalisay at District Supervisor Dr. James Zamora.