Quezon Larawan: National Grid Corporation of the Philippines/FB

Power interruption, tatagal ng 12 oras sa ilang bahagi ng Quezon

126 Views

Magkakaroon ng scheduled power interruption sa ilang bahagi ng Quezon Province sa Linggo, Nobyembre 22, 2026, mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), maaapektuhan ang mga lugar na sakop ng Quezon Electric Cooperative I (QUEZELCO I) dahil sa preventive at corrective maintenance activities at pagpapalit ng mga kahoy na poste sa kahabaan ng Gumaca-Atimonan 69-kilovolt line.

Ang mga partikular na lugar na mawawalan ng suplay ng kuryente ay tutukuyin ng kooperatiba. Sinabi naman ng NGCP na gagawin nito ang lahat ng paraan upang maibalik ang suplay nang mas maaga o alinsunod sa itinakdang oras.