Cagayan Larawan: National Grid Corporation of the Philippines/FB

Power interruption sa Cagayan, Kalinga, ini-reskedyul sa Nobyembre 23

110 Views

Inilipat sa Lunes, Nobyembre 23, 2026, ang nakatakdang power interruption na makaaapekto sa ilang bahagi ng Cagayan at Kalinga, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Orihinal na nakatakda sa Nobyembre 22 ang maintenance activity na sasaklaw sa mga lugar na pinagsisilbihan ng Cagayan Electric Cooperative I (CAGELCO I) at Kalinga-Apayao Electric Cooperative (KAELCO). Ipinagpaliban ito upang bigyang-daan ang mahahalagang aktibidad ng mga stakeholder ng CAGELCO I.

Isasagawa ang maintenance mula alas-6:15 ng umaga hanggang alas-6:15 ng gabi sa bagong iskedyul.