Tondo1 Iniharap ni PMaj. Philipp Ines ang mga suspek na nagnenok ng motorsiklo matapos maaresto ng mga operatiba ng MPD DACU sa Tondo, Manila.

2 lalaki hinuli sa pagnenok ng motor

Jon-jon Reyes Nov 21, 2026
114 Views

TondoARESTADO ng mga operatiba ng MPD District Anti-Carnapping Unit ang dalawang lalaki na umano’y nagnakaw ng motorsiklo sa Blk.13, Lot 6, Model Community sa Chesa St., Brgy. 72, Tondo, Manila noong Huwebes.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Roberto, 42,binata, walang trabaho at naninirahan sa Tondo, Maynila; at Jerry, 57, binata, technician at naninirahan sa Atis St., Brgy. 73, Tondo, Manila

Ayon kay Police Major Philipp Ines, chief ng DACU at tagapagsalita ng MPD-PIO, bandang alas-10:35 ng gabi ng mangyari insidente.

Sa salaysay ng biktima na si alyas Jovell, 27, dalaga, fruit vendor, ninanakaw ang kanyang Honda Wave na tinatayang nasa P80,000 at nakarehistro sa pangalan ng kanyang kapatid.

Ayon sa imbestigasyon, noong Nob. 18 bandang alas-6:00 ng gabi, ipinarada ng biktima ang motorsiklo sa tapat ng kanyang tirahan.

Pero bandang alas-7:30 ng umaga, bumalik siya sa lugar at nakitang wala na ang motorsiklo sa pinagparadan niya.

Sa pagsusuri, nakita bandang alas-5:15 ng umaga na kinuha ang motorsiklo ng 2 suspek na kalaunan ay nakilalang sina Roberto at Jerry.

Nagtungo ang biktima sa tanggapan ng DACU- MPD at sinabi na nakilala niya ang mga suspek na kumuha ng kanyang motorsiklo.

Nagsagawa ng follow-up operation sina PCMS Clyde Villareal, PMSg Randy S. Santiago, PSSg Marcon Sumampong at PCpl. Ronnie Curbano na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek at pagkabawi sa makina ng motorsiklo na na-disassemble na.

Ang mga naarestong suspek ay sasailalim sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa RA 10883.