Shabu Kinilala ni PLt. Col. Rommel Anicete ang suspek sa iligal na droga matapos matimbog sa Brgy. 649, Baseco, Port Area Manila.

Tricycle driver laglag sa shabu buy-bust sa Port Area

Jon-jon Reyes Nov 21, 2026
114 Views

NATIMBOG ng mga operatiba ng Station Drugs Enforcement Unit ng Manila Police District-Baseco Police Station ang 42- anyos na tricycle driver sa buy-bust at nasabat ang 6.70 gramo ng shabu na nagkakahalaga sa P45,560 sa Block 5 extension, Baseco Compound, Brgy. 649, Port Area, Maynila noong Sabado.

Nakilala ang suspek na si alyas Khan, 42, tubong Maguindanao, may asawa, tricycle driver at residente ng Block 11 extension, Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, hepe ng Baseco PS 13, bandang alas-12:30 ng hatinggabi ng magsagawa sina PLt. Mark Jason Ramos, ng anti-illegal drugs buy-bust.

Nagresulta ito sa pag-aresto sa nabanggit na suspek, gayundin sa pagkumpiska ng nasabing amount ng shabu at 1 tunay na P500.

Inihahanda na ang kaso laban sa suspek para sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).