QCPD

Person of interest sa panghoholdap ng mag-ina tukoy na

88 Views

NATUKOY na ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lalaki na person of interest (POI) sa insidente ng panghoholdap sa isang mag-ina na sakay ng pampasaherong jeep sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang POI sa alyas na “Lito” na tinukoy ng District Special Operations Unit (DSOU) matapos ang imbestigasyon sa insidenteng naganap dakong alas-2 ng madaling araw noong Nobyembre 20, 2026 sa Quirino Highway, Barangay San Bartolome.

Sa follow-up dialogue ng mga operatiba sa pamilya ng biktima, sinabi ng mister ng huli na hindi na nila nais pang ituloy ang reklamo o magsampa ng kaukulang kaso laban sa suspek.

Gayunman, lumitaw sa beripikasyon ng pulisya na may tatlong rekord ng robbery at isang paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang POI.

Patuloy naman ang manhunt operation ng QCPD upang madakip si alyas “Lito.”

Hinikayat ng QCPD ang publiko na agad ireport ang anumang krimen o emergency sa E911 o QC Helpline 122.