QC

3 menor de edad nakita malapit sa sumabog na paputok sa QC

83 Views

TATLONG menor de edad na lalaki ang nakita sa CCTV footage malapit sa lugar kung saan sumabog ang isang paputok sa Barangay Teachers Village West, Quezon City, nitong Martes ng tanghali, Nobyembre 24.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), alas-12:37 ng tanghali nang iulat sa QC Helpline 122 ang insidente kaya agad na rumesponde ang mga tauhan ng Anonas Police Station (PS 9).

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tatlong menor de edad na nakita sa CCTV footage.

Kinumpirma naman ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) Team ng QCPD na paputok o pyrotechnic device ang sumabog batay sa isinagawang post-blast assessment. Wala ring nakitang improvised explosive device (IED) sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari.