Calendar
8 muntik malibing ng buhay sa pagguho ng tunnel, 1 p*tay

ANTIPOLO CITY — Nauwi sa trahedya noong Miyerkules ang paghuhukay sa isang tunnel matapos bumulwak ang tubig na ikinasawi ng isang manggagawa at ikinasugat ng walo pang kasamahan.
Idineklarang dead-on-arrival sa Fatima University Medical Center ang biktimang si alyas Yuqi bandang alas-5:17 ng hapon matapos magtamo ng matinding pinsala sa katawan.
Sugatan ang mga kasamahan nitong sina alyas Den, ZhE, Yrol, Jwel, Ghui, Wang, Rhey, at Malkom.
Ayon sa ulat ng Antipolo Component City Police Station (CCPS), naganap ang insidente bandang alas-3:20 ng hapon noong Nobyembre 25 sa loob ng Power China Main Access Tunnel sa Sitio Apia, Barangay Calawis.
Lumalabas sa imbestigasyon na inaalis ng backhoe operator ang mga nakaharang na bato sa itaas na bahagi ng tunnel nang biglang gumalaw ang mga ito.
Sumirit ang tubig na may napakalakas na pressure na naging dahilan upang gumuho ang mga bato at tumama sa mga biktimang nasa loob ng hukay.
Isinugod sa iba’t ibang pagamutan ang mga biktima.
Ang walong sugatan ay patuloy na inoobserbahan.

