Bebot Kinilala ni PLt.Col.Rommel Anicete ang babaeng suspek sa ipinagbabawal na gamot na natimbog ng MPD Baseco Police Station13. JONJON C. REYES

50-anyos na dalaga inaresto sa iligal na droga sa Port Area

Jon-jon Reyes Nov 27, 2026
48 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng Baseco Police ang 50-anyos na bebot dahil sa paglabag Art. II, Sec. 11 ng R.A. 9165 o may kinalaman sa ilegal na droga matapos maispatan sa Fajardo St., Brgy. 60, Tondo, Maynila, huwebes ng hapon.

Nakilala ang akusado na si alyas “Wena,” tubong Navotas City, walang asawa,at residente ng sa nasabing lugar.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, ang suspek ay kabilang sa talaan ng MWP Top 4 sa antas na stasyon.

Bandang 4:05 ng hapon nang isinagawa ang pag-aresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Baseco PS-13, sa pamumuno ni PCPT Aldeen C. Legaspi.

Ang warrant of arrest laban sa suspek ay inilabas ni Judge Lily Joy A. Labayo -Patria, ng Manila RTC Branch 178.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Nagbabala si PLt.Col. Anicete sa mga kriminal lalo na sa mga nagtatago sa batas na walang lugar ang mga kriminal sa area ng Baseco.

“Huwag niyong subukang maglungga o magtago sa aming area of responsibility, kung ayaw niyo magdiwang ng pasko’t bagong taon sa aming kulungan,” aniya.