Bigas

BBM program namigay ng tig-10 kilo ng bigas sa 4,500 taga-Las Pinas

Edd Reyes Nov 27, 2026
51 Views

UMABOT sa 4,500 Las Piñeros ang nabigyan ng tig-10 kilong bigas bilang bahagi ng Bawat Bayan Makikinabang program ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Las Piñas City Mayor April Aguila, dagdag na tulong ito sa mga pamilya para sa pang-araw-araw na pangangailangan, lalo na sa gastusin sa pagkain.

Inaasikaso ni Mayor Aguilar ang distribusyon ng bigas upang matiyak ang maayos na paghahatid ng tulong sa mga benepisyaryo.

Sinabi ng alkalde na inilalapit ng Las Pinas ang mga programang nagbibigay-suporta sa mga pamilyang Las Piñero upang matiyak na may pagkain sila sa hapag-kainan.