Calendar
Source: Mayor Caloy G. Baldo
Biyahe ng PAL sa Daraga naudlot dahil sa isyu, bumalik sa Maynila
ANG Philippine Airlines (PAL) Flight PR 2923 na nakatakdang bumiyahe patungong Daraga, Albay ay nagbalik sa Maynila dahil sa isang isyu sa hydraulic system ng sasakyang panghimpapawid.
Sa isang pahayag, sinabi ng PAL na “kinukumpirma namin na ligtas nang nakababa ang lahat ng pasahero. Nananatiling pangunahing prayoridad ng PAL ang kaligtasan at kapakanan ng aming mga pasahero at tripulante.
Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang PAL sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan at sa airport operator upang matiyak ang ligtas na pag-aalis ng eroplano sa runway at ang agarang pagpapanumbalik ng normal na operasyon ng paliparan.
Taos-puso kaming humihingi ng paumanhin sa abalang idinulot ng insidenteng ito at nagpapasalamat sa pang-unawa at pasensya ng aming mga pasahero.
Patuloy naming minomonitor ang sitwasyon at magbibigay kami ng karagdagang impormasyon sa sandaling may mga bagong update.”
