Ople

100 recruitment agency pinayagang magpadala ng OFW sa KSA

193 Views

MAYROON umanong 100 recruitment agency na pinayagang magpadala ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA), ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Ayon kay DMW Secretary Susan “Toots” Ople mayroon pang mga recruitment agency na nirerepaso ng ahensya at maaaring dumagdag sa bilang ng mga papayagan na magpadala ng manggagawa sa KSA.

Nirerepaso na rin umano ang mga job order o mapapasukang trabaho ng mga OFW doon.