Libreng Sakay sa EDSA Carousel hanggang Disyembre 31 na lang

141 Views

IPINAALALA ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hanggang sa Disyembre 31, 2022 na lang ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel.

Ayon sa inilabas na paalala ng LTFRB, simula sa Enero 1, 2023 ay may bayad na muli ang pagsakay sa mga bus na bumibiyahe sa EDSA Carousel na mula PITX hanggang Monumento.

Batay sa huling tala ng LTFRB hanggang noong Disyembre 27, umabot na sa 80,832,186 mga pasahero ang nakalibre ng sakay sa EDSA Bus Carousel.