Tanaw de Rizal suportado ng DAR
May 20, 2025
Valenzuela may bagong ID para sa seniors, PWDs
May 20, 2025
P734K na shabu nasamsam sa 2 drug suspek
May 20, 2025
Calendar

Metro
MMDA magpapakalat ng 2,000 tauhan sa Kuwaresma
Edd Reyes
Mar 29, 2023
298
Views
MAGPAPAKALAT ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mahigit 2,000 tauhan sa Holy Week sa iba’t ibang lansangan at transportation hub.
Ayon kay MMDA spokesperson Mel Carunungan tutukan ng ahensya ang mga kalsada malapit sa mga paliparan, pantalan, at terminal ng bus para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong magbabakasyon.
Sinabi ni Carunungan na pinagbawalan umano ng ahensya ang mga tauhan nito na mag-day off o mag-leave mula Abril 5 hanggang 7 at 10.
Wala namang number coding mula Abril 6 hanggang 10.
Nagsama-sama ang MMDA, Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, at Philippine National Police para tiyakin ang kaligtasan ng mga motorista at biyahero.
Valenzuela may bagong ID para sa seniors, PWDs
May 20, 2025
P734K na shabu nasamsam sa 2 drug suspek
May 20, 2025
MMDA tanggap pagbawi ng TRO sa no contact policy
May 20, 2025
May boga palakad-lakad, tiklo
May 19, 2025