MECO: Mga Pinoy sa Taiwan ligtas

145 Views

NASA ligtas na kalagayan umano ang mga Pilipino sa Taiwan sa gitna ng nararanasang tensyon doon.

Ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman at Resident Representative Silvestre Bello III patuloy ang ginagawang pagsubaybay ng MECO sa mga Pilipino na nasa Taiwan.

“So we would like to assure you, everyone. I’ll take this opportunity to inform you… in Taiwan everything is normal and, if in the remote possibility na magkaroon ng emergency situation, like for example earthquake, mga lindol o even war, preparado po ang Taiwan government not only in protecting their own people but even the Filipinos, especially our workers,” sabi ni Bello.

Ayon kay Bello nagbigay din sa kanya ng kasiguruhan ang National Police Agency ng Taiwan na poproteksyunan at pangangalagaan nito ang mga Pilipino roon.

“I met with the Director General together with the head of the Home Civilian Defense of Taiwan and they assured us na iyong ating mga kababayan ay protektado nila,” ani Bello.

Sinabi ni Bello na mayroong 89,000 shelter ang Taiwan na kayang ma-accommodate ng lagpas sa populasyon ng naturang bansa.

“Ganoon kapreparado iyong ating mga kasama sa Taiwan and they really treasure our OFWs kasi sila, according to them, are the best in their manufacturing industry,” sabi pa nito.

Nasa 90 porsyento ng pabrika sa Taiwan ay siniserbisyuhan ng may 160,000 Pilipino, ayon kay Bello.

“So, huwag po kayong mag-alala… everything is normal, our OFWs there are safe and there is no danger of what you call confrontation between China and Taiwan,” sabi pa ni Bello.

Mayroong tensyon sa pagitan ng Taiwan at China.