Calendar
Villar masayang nalamang bahagi ng PNPA ang pagsasaka sa paghahanda sa mga pulis
ANG pagtuturo sa police cadets ng kasanayan sa pagsasaka na kanyang adbokasiya, ani Sen. Cynthia ay alinsunod din sa misyon ng Philippine National Police Academy (PNPA) na magbigay ng komprehensibong edukasyon at pagsasanay sa mga magiging pulis.
“Having farming skills truly resonates with the principles and purpose of law enforcement,” giit ni Villar, chairperson ng Senate committee on agriculture and food.
Guest Speaker ang senador sa flag raising ceremony ng PNPA sa Silang, Cavite.
Pinasalamatan niya si PNPA Director Police Major General Eric Noble sa pag-imbita sa kanya sa nasabing okasyon.
“I have been informed that my strong advocacy for agriculture aligns with PNPA’s belief that policemen possessing farming skills can significantly enhance the police service within the communities they serve,” ani Villar na nagsabing “impressed” siya nang malaman ang bagay na ito.
Sinabi ni Villar sa mga kadete na bilang ‘future police officers,’ maitatalaga sila sa mga lugar kung saan mahalaga ang agrikultura.
“Understanding farming and the unique challenges it presents will help you connect more deeply with these communities. These connections can foster trust and cooperation, which are essential elements for you to carry out your police work more effectively,” pahayag pa ng senador.
Sinabihan din niya ang mga ito na aktibo silang makalalahok sa pagkakaroon ng food security at mas ligtas na kapaligiran sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman sa pagsasaka.
“When communities have consistent access to nutritious food, they tend to be more stable, peaceful, and less inclined to engage in unlawful activities,” giit ng senador
Dahil din sa farming knowledge, sinabi ni Villar na makatutulong sila sa disaster preparedness at recovery efforts, partikular sa rural areas na nakaasa sa pagsasaka.
“Embracing sustainable farming practices further emphasizes your role as protectors, extending beyond people to safeguarding our environment,” dagdag pa niya.
“Furthermore, since self-sufficiency is a crucial aspect of being a police officer, their farming skills could prove to be a lifeline during crisis.”