Magalong

Pagsusuot ng face masks ibinalik sa Baguio City

76 Views

MULING ipinatutupad sa Baguio City ang pagsusuot ng face masks sa loob ng mga establisyemento at mga matataong lugar matapos tumaas ang kaso ng Covid-19 doon.

Sinabi ni Baguio Mayor Benjamin Magalong na iwasan na rin muna ang pakikipagkamay at beso-beso bilang bahagi ng pagkontrol sa lalong pagdami ng Covid-19 sa lungsod.

Nilinaw naman ni Magalong na hindi kokontrolin ang paglabas ng tao.

Bagamat dumami ang kaso, sinabi ni Magalong na nananatiling mababa ang utilization rate ng mga ospital.