Proteksyon sa OFWs pinagtibay ng DMW, CHR MOA
Jun 7, 2025
Mga senyales ng breakup kita na sa socmed
Jun 7, 2025
Calendar

Overseas Filipino Workers
76 OFW sa HK nahawa na ng COVID-19
Peoples Taliba Editor
Feb 24, 2022
363
Views
UMAKYAT na sa 76 ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa Hong Kong na nahawa ng COVID-19.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Hans Cacdac siyam sa mga nahawa ang nasa ospital.
Karamihan ay nasa isolation facility sa bahay ng kanilang employer, pinatatakbo ng gobyerno o non-government organization.
Naka-usap na rin umano ng mga ahensya ng gobyerno ang mga employer na noong una ay ayaw pabalikin ang mga OFW sa kanilang bahay.