Otoko waley balak, girlalu hopya sa dream wedding
Nov 28, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
Calendar
Metro
Getaway vehicle na ginamit sa pananambang ng photojournalist narekober
Alfred Dalizon
Jul 14, 2023
589
Views
NAREKOBER ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang sasakyang ginamit sa pananambang sa photojournalist sa Quezon City.
Ayon kay QCPD chief Police Brigadier General Nicolas Torre III, ang silver na Toyota Vios car na may plakang NFE 5678 ay nahanap sa Purok 4, Brgy. San Anton, San Leonardo, Nueva Ecija.
Isang concerned citizen umano ang tumimbre sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) kaugnay ng kinaroroonan ng sasakyan.
Ginamit umano ang sasakyan sa pagtakas ng mga bumaril sa sasakyan ni Joshua Abiad, photojournalist ng pahayagang Remate noong Hunyo 29 sa kanto ng Corumi St., at Gasan St., sa Brgy. Masambong, Quezon City.
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026

