Maxine Medina Mga mula sa IG/@maxine_medina

Maxine Medina muling nagpatali

243 Views

MULING nagpakasal ang aktres at Miss Universe Philippines 2016 na si Maxine Medina sa kanyang partner at dive instructor na si Timmy Llana.

Isang linggo matapos ang kanilang intimate wedding church, sa isang beach wedding naman sa Palawan nagpalitan ng ‘I do’ sina Maxine at Timmy.

“Oh hey, we got married again!” sey ng beauty queen sa isang Instagram post nitong Sabado, Oktubre 14.

Sa isa pang post ay nagbahagi rin si Maxine ng pre-weddings photos kalakip sa caption ang pasasalamat na natupad ang kanyang dream wedding.

“Dear God, we are so thankful as we remember our dream wedding. It was so beautiful and memorable, just like we hoped. Looking at our photos, we see how you helped make it all happen,” pahayag ni Maxine.

“We are so blessed to have our family and friends with us. To you, God, and to our loved ones, we can’t say thank you enough. To our friends who help made our special day even better, Thank you,” dagdag pa niya.

Matatandaang nito lamang Oktubre 3 ay itinali ang dalawa sa isang church wedding sa Immaculate Heart of Mary Church sa Antipolo.