Jennica Larawan mula sa IG/@jennicagarciaph

Jennica grateful kay Melai: ‘Palagi niya ‘kong sinasalo’

191 Views

MALAKING tulong para sa aktres na si Jennica Garcia pagdating sa hosting ang suportang ibinibigay sa kanya ng actress-comedienne na si Melai Cantiveros.

Sa latest vlog ng TV host-actor na si Luis Manzano kasama si Jennica, napag-usapan nila ang pagiging host at mga show na pinasukan ng aktres.

“So anong pakiramdam? Kasi one thing about hosting is unlike umaarte, marami kayong kinukunan. Eto ‘pag hosting, sa’yo. ‘Pag nagsasalita ka, sa’yo. Kung anong sasabihin mo, kung ano bulol mo, sa’yo. So anong pakiramdam doing it?” wika ni Luis kay Jennica.

Saad ng ‘Dirty Linen’ star, hindi raw niya matatagalan ang pagho-host kung hindi si Melai ang kasama niya. May mga pagkakataon daw kasi na si Melai ang sumasalo sa kanya.

“Malaking tulong po talaga sa’kin sa ‘Ur Da Boss’ si Melai. Sa totoo lang kuya, kung hindi po siya ‘yung kasama ko do’n, hindi ko po siguro matatagalan ‘yung regular hosting kasi po palagi niya ‘kong sinasalo ‘pag kinakabahan po ako ganyan,” sey ni Jennica.

“Tapos may time din po, sino bang guest namin no’n, sina Chad Kinis po ata, sobrang tawa kuya, hinika ako. Nahirapan na po akong huminga tapos sinalo na po ako ni Melai pero sobrang tawa naman po ‘yon. So ang saya,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, hindi naman kinalimutang banggitin ni Jennica na magpasalamat din kay Luis bilang nakasama niya ito sa ‘It’s Your Lucky Day.’

“Then itong sa ’It’s Your Lucky Day’ natin kuya, gusto ko rin po talaga super mag-thank you po sa inyo kasi napansin ko po na parang nao-overcome ko po ‘yung anxiety ko sa alaga niyo po sa amin,” aniya.

Bukod sa mga nabanggit na show, makakasama rin ni Jennica si Melai sa papalabas na comedy film kung saan siya ang bida na “Ma’am Chief.”