Rita Gaviola

Rita Gaviola nagpasalamat matapos laitin

148 Views

NAGPAPASALAMAT ang former PBB Teen housemate na si Rita Gaviola sa ilang netizens na naging concerned sa kanya pagkatapos nag-viral ang video kung saan umiyak siya dahil sa panglalait na natanggap niya mula sa bashers.

Sa kaniyang Facebook post, Oktubre 31, sinabi niyang ayaw niya na umanong magsalita pa tungkol sa kumakalat na isyu. Aniya, “I appreciate sa lahat ng concern about my live selling. Ayoko na sana magsalita kaso below the belt na, and I’m proud to say na yes I’m a ’Badjao native’.

Tanong pa ng socmed personality, ano ba ang mali ng pagiging Badjao?
Aniya, “So what’s wrong? dahil tagalog kayo my god crab mentality dahil lang sa native ako sasabihan ako ng bumalik sa panlilimos and so, what if bumalik ako sa part na ‘yon?”

“Ang mahirap is kayo ang makaranas ng hindi niyo naranasan baka hindi niyo kayanin,” hamon pa ni Rita sa bashers.