Rufa Larawan mula sa IG/@rufamaequinto

Rufa Mae may mensahe sa pagpanaw ni Joey Paras

140 Views

NAG-PAABOT din ng pakikiramay ang actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto sa pagpanaw ng kanyang kapwa komedyante na si Joey Paras.

Ibinalitang yumao si Joey nitong Linggo, Oktubre 29 sa edad na 45 ng kanyang pamangkin na si Zciara Fabian sa isang Facebook post.

Sa isang Instagram post nitong Martes, Oktubre 31, ibinahagi ni Rufa ang isang larawan kung saan magkasama sila ni Joey sa isang programa.

Nag-iwan lamang ng maikling mensahe ng pagmamahal ang komedyana para sa yumaong si Joey.

“Mahal na mahal ka namin @its_joeyparas,” sey ni Rufa Mae sa caption ng kanyang post kalakip ang isang praying hands emoji.

Ang actress-comedienne rin na si Candy Pangilinan ay nagpahayag ng pakikiramay kay Joey kamakailan.

“Rest in peace my friend. My prayers are with you. You fought well… To all my friends, i love you all…” mensahe ni Candy.