Ryza Larawan mula sa IG/@iamryzacenon

Ryza Cenon sa b-day ng anak: ‘Nakakaiyak ang bilis’

130 Views

NAIIYAK umano sa bilis ng panahon ang aktres na si Ryza Cenon nang ipagdiwang nila ng kanyang non-showbiz partner ang kaarawan ng kanilang anak na si Night.

Sa Instagram page ng celebrity mom nitong Martes, Oktubre 31, ibinahagi niya ang mga larawan ng kanilang pamilya at solo pictures ng anak.

“Happy 3rd Birthday, Night!!!!! Nakakaiyak ang bilis!!” sey ni Ryza sa caption ng post.

Inalala pa ng aktres na parang dati ay inaasikaso lang nila ang pictorial para sa unang kaarawan ni Night.

“Parang kailan lang nag pictorial tayo para sa first birthday mo. Ngayon 3 years old ka na,” saad ng celebrity mom.

“Haaay… anak, lagi mong tatandaan love na love ka namin ni Dada @miguel.antonio.cruz. Andito lang kami para sayo. Enjoy your day! I love you anak,” dagdag pa ni Ryza.

Bukod sa netizens, binati rin ng ilang personalities ang anak ni Ryza sa comment section ng post.

“Happy happy birthday baby Night!!!” pagbati ng actress-comedienne na si Chariz Solomon.

“Happy bday baby,” komento naman ng TV host-comedienne na si Melai Cantiveros.