Candy Larawan mula sa IG/@candypangilinan

Candy Pangilinan sa pagpanaw ni Joey Paras: ‘Sumabay sa eleksyon, undas’

167 Views

NAGPAHAYAG ng pakikiramay ang actress-comedienne na si Candy Pangilinan sa pagpanaw ng kanyang kapwa komedyante na si Joey Paras.

Ibinalitang yumao si Joey nitong Linggo, Oktubre 29 sa edad na 45 ng kanyang pamangkin na si Zciara Fabian sa isang Facebook post.

Sa Instagram page ni Candy nitong Lunes, oktubre 30, ibinahagi niya ang isang larawan nila ni Joey.

Hirit ni Candy na sumabay pa raw sa eleksyon at humabol sa undas ang pagpanaw ng komedyante. Nagbigay din ng habilin ang komedyana kay Joey.

“Sumabay ka talaga sa eleksyon at humabol sa undas. Paki hello ako kay Direk Wenn, kay Phi, kay choco, [at] marami pang iba…” pahayag ni Candy sa caption ng kanyang post.

“Rest in peace my friend. My prayers are with you. You fought well… To all my friends, i love you all…” dagdag pa ng actress-comedienne.

Nakiramay rin ang ilang netizens sa comment section ng post ni Candy.

“We lost another gifted comedian.”

“Omg. We will miss you Bekikang.”