JK Larawan mula sa X/@karloslabajo__

Christmas song ni JK Labajo kasado na sa Nov 10

195 Views

IBINALITA ng singer-songwriter at aktor na si Juan Karlos Labajo o kilala rin bilang “JK” na tapos na niyang gawin ang plano niyang Christmas song na ilalabas niya sa Nobyembre 10.

Sa kanyang X account (dating Twitter) ibinahagi ng “Ere” singer ang anunsyo.

Hiniling niya sa mga tagasuporta na sana ay magustuhan nila ang ilalabas niyang kantang pang-pasko.

“Haha so ayun tapos na yung xmas single tapos release ko na this Nov 10,” sey ni JK.

“Sana magustuan ninyo update update nalang sa mga plano tnx luv u all,” dagdag pa ng “Senior High” star.

Matatandaang kamakailan ay inamin ni JK na matagal na niyang nais magsulat ng isang Christmas song.

Nagpa-survey pa nga siya kung ayos lang daw bang maglabas siya ng kantang pang-pasko ngayong taon.

“Hahaha sorry survey lang pero matagal ko na kasi gusto magsulat ng xmas song tingin niyo okay lang kung mag release ako for this year??? – SantaKols” pahayag ni JK.

Excited naman ang ilang netizens sa ilalabas ni JK na kanta.

“Kaexcite, first time mo magrelease ng christmas song.”

“Sana hindi masakit yung kanta mo sa pasko diba? Hahahaha. Pero ano mang feels nyan, support pa rin.”

“OMG!!!!! soundtrack ng pasko ko.”

“Mapanakit ba yan? Magreready na ba kami?”