marianrivera Larawan mula sa IG/@marianrivera

DongYan planong bigyan ng fastfood resto mga anak

222 Views

NAGBABALAK umano ang Kapuso Primetime Queen at King na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na kumuha ng prangkisa ng isang kilalang na fastfood chain para sa kanilang mga anak na sina Zia at Sixto.

Base sa lumabas na ulat, nakipag-usap na ang DongYan sa may-ari ng gusto nilang fast-food restaurant upang ipakita ang kanilang interes sa pagkuha ng prangkisa mula rito.

Malaya umano silang pumili ng lokasyong nais nilang pagtayuan ng fastfood chain.

Paborito raw kasi nina Zia at Sixto ang fried chicken ng fastfood resto kaya nagkaroon sila ng ideya na mag-invest sa ganoong negosyo.

Kabilang sina Daniel Padilla, Maine Mendoza, at Aga Muhlach sa mga kilalang celebrity sa bansa na nagmamay-ari ng prangkisa ng nasabing fastfood chain.