Laren and Ricci Larawan mula sa IG/@lerenmaebautista

Leren nagpapaka-sweet kay Ricci

85 Views

NAG-ALAY ng matamis na mensahe ang former beauty queen at Los Baños, Laguna Councilor na si Leren Mae Bautista para sa kanyang nobyong basketbolista na si Ricci Rivero.

Sa kanyang Instagram page nitong Biyernes, Nobyembre 10, ibinida ni Leren ang ilang larawan ni Ricci na nakatalikod.

Sey ng beauty queen-councilor, masaya siyang nakikitang nagpapaka totoo ang nobyo.

“You deserve all the love in the world. I’m so thankful to see the real you — authentic, fun and loving. No more fantasies, just pure love,” pahayag ni Leren sa caption ng kanyang post.

Nagpaabot din siya ng pagsuporta sa unang laro ng basketbolista sa PBA.

“Remember that I will be here behind you, cheering and supporting you. Good luck on your first PBA game today!” wika pa niya.

“I appreciate you!” komento naman ni Ricci sa nasabing post ng nobya.

Matatandaang umingay ang ngalan ni Ricci at Leren matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ng kanyang dating nobya at aktres na si Andrea Brillantes at pagsasapubliko ng kanilang relasyon ngayon.