jakroberto Larawan mula sa IG/@jakroberto at @davidlicauco

Jak suportado sina Barbie, David

142 Views

SUPORTADO raw ng Kapuso hunk actor na si Jak Roberto ang ‘BarDa,’ love team na kinabibilangan ng kanyang nobya na si Barbie Forteza at aktor na si David Licauco.

Sa isang panayam, inamin ni Jak na kaibigan ang turing niya sa katambal ng kanyang nobya. Mayroon pa nga raw silang bonding moments ni David.

Nagkasama ang dalawa sa seryeng Heartful Café kung saan sila naging magkaibigan.

“Even before ‘yung sa Heartful Café, doon kami naging magkaibigan… So ‘yung daily routine niya sa pagwo-work out, sumabay ako tapos tinuro niya sa’kin ‘yung routine niya ng work out tapos nagbasketball basketball din kami nu’n. Tas naging magka-kwentuhan din kami pagka walang taping day,” pahayag ni Jak.

“Tapos after nung Heartful Café, bigla silang naging magka-partner naman ni Madam doon sa Maria Clara at Ibarra. Tapos ka-message ko pa rin siya, kino-congrats ko nga sila na parang biglang sky rocket ‘yung BarDa,” pagpapatuloy pa ng hunk actor.

“Support ako sa kanila, Kuya. And si David din gan’un,” aniya pa.

Pagsisiwalat pa ni Jak, kamakailan lang daw ay inaya siyang makipag-collab ni David para sa negosyo nitong restaurant.

“Recently lang, nag-message din siya sa’kin, nagtatanong pwede daw kami mag-collab sa Kuya Korea ba ‘yun? ‘Yung sa ano niya, restaurant. Sabi ko, ‘sige, wala namang problema,'” sey ng aktor.