derek Larawan mula sa IG/@akosilolitsolis at @ramsayderek07

Lolit Solis type si Derek Ramsay: ‘Very frank, honest sumagot’

119 Views

ISA raw sa mga type na artista ng beteranang showbiz columnist na si Lolit Solis ang model-actor na si Derek Ramsay.

Sa kanyang Instagram page, ibinhagi niya ng kolumnista na nagustuhan niya ang pagiging prangka at honest ng aktor.

“Kasi nga very frank at honest kung sumagot. Direct to the point at walang ligoy ligoy,” sey ni Lolit.

Saad pa ng showbiz columnist na swak na swak daw sa isa’t isa si Derek at partner nitong si Ellen Adarna.

“Bagay na bagay iyon personality nila ni Ellen Adarna. Noon nga ng itanong ko kay Derek Ramsay bakit niya type si Ellen, ang naging sagot niya ‘she completes me’,” pahayag ni Lolit.

“Mapagbiro nga lang ang tadhana dahil nagkaroon pa sila ng ibang relasyon bago nagtagpo ang kanilang landas. Pero no matter what, pag kayo talaga, you really end up with each other. Tignan mo nga at talagang sila parin ngayon,” pagpapatuloy pa ng beteranang showbiz columnist.

“Mukhang happy at contented sa kanyang married life si Derek Ramsay kaya naman bihira na siyang gumawa ng movie o tv projects,” dagdag pa niya.