iamryzacenon Larawan mula sa IG/@iamryzacenon

Ryza Cenon ipinasilip tapos nang dream home

169 Views

BUO na ang ipinapatayong dream family house ng aktres na si Ryza Cenon.

Sa kanyang Instagram page nitong Miyerkules, Disyembre 13, ipinasalip ng aktres mula sa ilang larawan ang katatapos lamang na kanilang ipinatayong bahay.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Ryza ang harapan ng buong bahay, pati na ang mga interior nito.

Base sa caption ng aktres, tila sa susunod na linggo na sila lilipat ng kanyang pamilya sa nasabing bahay.

“See you next week,” sey ni Ryza sa caption ng kanyang post.

Noong Nobyembre ngayong taon ay nagbigay rin ng update ang aktres na malapit na ngang matapos ang kanilang dream house.

“Looking forward to spending the holidays in our very own home. Malapit na malapit na,” pahayag ni Ryza.

Matatandaang unang ibinahagi ng aktres ang planong magpapatayo sila ng bahay ng kanyang asawa na si Miguel Antonio Cruz noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Pinusuan naman ng netizens ang nasabing post ni Ryza.

“Oh my!!!!!! Andyan na!!!”

“Exciting times ahead.”

“Congratz to your new home.”

“OMGG , congrats ate ryza.”