Zeinab Larawan mula sa IG/@zeinab_harake

Zeinab hindi pera habol sa showbiz

203 Views

TALENTO raw at hindi pera ang dahilan ng pagpasok ng internet personality na si Zeinab Harake sa showbiz.

Sa isang panayam kasama ang Pikapika PH, nang tanungin ang sikat na vlogger kung barya-barya lang para sa kanya ang kinikita sa showbiz, sinagot niya ng hindi naman pera ang habol niya sa pagpasok sa industriya.

“Grabe naman ‘yung barya-barya. Ano lang—siguro ‘yung pag-enter ko ng showbiz, hindi money yung nilo-look ko dito. Talent,” sey ni Zeinab.

“Gusto ko po ano, ng something na ‘ay may talent ako, may kaya pala akong gawin.’ Iyon ‘yung pinaka achievement na makukuha ko sa pag-enter po ng showbiz. ‘Yung money, thankful na po ako sa lahat ng blessing na dumadating sa akin,” paliwanag pa niya.

Kabilang sa mga cast si Zeinab sa pelikulang ‘Kampon,’ na isa sa official entries ng 2023 Metro Manila Film Festival.

Saad pa ng internet personality na ang career niya bilang YouTuber at endorsers ng brands ay malaki ang naitutulong sa kanya.

“When it comes to Youtube, gagalingan ko pa lalo. Hindi lang naman po para sa ‘kin kasi marami rin naman po akong taong natutulungan galing doon. And ‘yung pag-e-endorse po ng mga brand, salamat po talaga sa lahat ng mga nagtitiwala sa ‘kin,” wika ni Zeinab.

“Wala pong ako kung talagang wala sila. ‘Lagi ko pong pinagpapasalamat ‘yon,” dagdag pa niya.