Pic

Ang Babaeng Ayaw Mamatay powerhouse cast!

445 Views

pic1Pic2Pic3Pic4Pic5FULL power ang casts na sina Ara Mina, Simon Ibarra, Victor Silayan, Jackilou Blanco, Deborah Sun at Janna Dee sa pelikulang “Ang Babaeng Ayaw Mamatay” sa ginanap na Story Conference kagabi sa Brentwood Suites sa Quezon City kahapon December 17, 2023. Ito ay dinaluhan ng maraming production staff at sinuportahan ng mga kaibigan sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Nang magsimula ang story conference, naobserbahan ng marami ang pagpapakumbaba ni Direk Ron Sapinoso na hindi sya katulad ng iba na direk direkan na makahawak lang ng camera ay direktor na. Sya ay may labis na pagmamahal sa pelikula. Halos lahat kasi ng pelikula ay napanood na n’ya at idol din n’ya si FPJ kaya naman action film din ang ginawa n’ya. Ngunit kung mabibigyan daw sya ng pagkakataon ay gagawa sya ng mala AGILA na pelikula. Ayon din sa mga bisita na artista gaya ni Shirly Favis patungkol kay direk Ron ay ito ang kanyang naging panayam;

“S’ya lang ang nakita kong direktor na nagsalita ng may buong pagpapakababa at buong katapatan. Walang halong sugar coated. At habang nagsasalita s’ya ang lahat sa kanya ay nakikinig… Kita ko sa mata ni Ara Mina ay appreciation at awa sa kalagayan ni bro Ron na may kapansanan. At sa ibang artista na may paghanga sa kanilang mukha.

Nakita ko ang Dios dahil sa pagpapakababa ni bro Ron noong s’ya ay nagpapakilala. Malaki talaga ang nagagawa kapag ang tao ay mababa, lalo kang itinataas ng Dios. Papuri sa Dios!”

Wika ni Shirly na isa sa aabangan sa pelikula bilang Luz.

Present din ang buong casts na sina Diego Salvador na may malaking gagampanan sa pelikula at sina Julian Roxas at Mohaira, naroon din si Dana Varona at Geraldine Aleria at maging si Reorey Carpio.

Masaya naman ang executive producer na si Ryan Manuel Favis dahil naging tagumpay ang nasabing story conference at ang pinaka naappreciate n’ya ay ang maluwag na pagtanggap ng mga artista sa script dahil naiiba raw ang kuwento.