PSA

Bilis ng pagtaas ng bilihin bumagal—PSA

155 Views

BUMAGAL ang bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin noong Disyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Naitala ito sa 3.9 porsyento mas mababa sa 4.1 porsyento na naitala noong Nobyembre at sa 8.1 porsyento na naitala noong Disyembre 2022.

Ang 3.9 porsyentong inflation rate ang pinakamababa mula noong Pebrero 2022 kung kailan naitala ng 3 porsyento.

Ang pagbagal ng antas ng inflation ay bunsod umano ng mabagal na pagtaas sa presyo ng bahay, tubig, kuryente, gas, at iba pang fuel product. Naitala ito sa 1.5 porsyento na mas mababa kumpara sa 2.5 porsyento na naitala noong Nobyembre.