Nadine

Nadine paano kinaya ang very tricky na role?

Eugene Asis Feb 11, 2024
186 Views

NadineKAYANG-kaya pala ni Nadine Lustre ang maging action star dahil sa ipinakita niyang husay sa stunts at maaaksyong eksena sa mini series na “Roadkillers” na idinirek ni Rae Red at mapapanood sa Viva One streaming site ng Viva Entertainment..

Hindi nagpa-double ang award-winning actress sa fight scenes na ginawa niya sa serye lalo na sa mga eksena nila ng aktor na si Jerome Ponce dahil talagang pinaghandaan niya ang proyekto bago siya sumalang sa shooting.

“Matagal ko na talagang gustong mag-action. And I guess with regards to preparation, nag-training din ako sa firing.

“Mga stunts din namin, we really had to rehearse na. Kasi lalo na yung environment, yung condition is ano, nakita nyo naman yung eksena yung mabuhangin, dirt, ganu’n, mabato. So, ano talaga, very tricky talaga.

“And you know, as much as possible, sila direk, they want it yung mga stunts realistic. I mean, hindi siya yung parang action movie na… you know what I mean. It’s still very realistic.

“I mean, at the end of the day, hindi naman superhero si Stacey (karakterniya sa series), normal naman siyang tao,” ang pahayag ni Nadine..

Sa istorya ng “Roadkillers”, ginagampanan ni Nadine ang role ni Stacey, ang anak nga ng karakter ni Bodjie Pascua na isang tauhan ng isang tiwaling pulitiko na siyang tagaligpit ng mga kaaway nito.

Iikot ang kuwento nang namatay sa COVID-19 ang tatay ni Stacey na sa kagustuhang tuparin ang hiling nito na ilibing siya sa tabi ng puntod ng kanyang asawa ay nagawang nakawin ng nagmamahal na anak (Stacey) ang bangkay ng ama mula sa isang ospital.

Noong kasagsagan ng pandemya ay diretso sa morge ang labi ng isang taong namatay sa COVID at pagkatapos ay kailangang i-cremate na ayaw niyang mangyari.

Ngunit hindi magiging madali para kay Stacey na maisakatuparan ang wish ng ama dahil sa mangyayaring twists and turns sa kuwento. Dito na papasok ang matinding sagupaan nila ng karakter ni Jerome Ponce.

Ayon kay Nadine, habang ginagawa nila ang “Roadkillers”, ang feeling niya ay parang tunay na ama niya si Bodjie, “Nu’ng napanood ng dad ko yung Roadkillers, parang sinabi niya, ‘Parang ako lang si Bodjie, a’.

“Nu’ng nagsu-shoot nga po kami, talagang Tito Bodjie reminds me of my dad. Kasi like everything… like the jokes, like the way he talks, and yung character din ni Tito Bodjie, my dad is a mechanic talaga, his profession. So ako, I grew up as daddy’s girl talaga.

“So, mahilig ako magkalikot ng… even yung… alam mo yung what do you call it, yung white out na tape? Kahit yung mga ganun ng classmates ko, inaayos ko.

“Just because na-fascinate ako sa dad ko na magaling magkumpuni ng mga stuff, yung controller ng play station naaayos niya ganun. So, lumaki ako na ganun, exactly like how Stacey is.

“Although yung dad ko hindi naman siya henchman ng pulitiko. But just the same, sobrang naaastigan din ako sa dad ko.

“So, while we were shooting the whole series, everytime na meron akong interaction or scenes with Tito Bodjie, naaalala ko talaga yung dad ko,” tuluy-tuloy na kuwento ni Nadine.

Mapapanood na simula sa March 1 ang bagong suspense action thriller series ng Studio Viva sa Viva One.

Naging number one content na ito last year sa Prime Video kaya ngayong 2024 ay inaasahang hahataw naman ito sa Viva One.