DepEd

DepEd pinuri ang ERJHS, alumni group

340 Views

BINIGYAN ng kaukulang pagkilala ng Department of Education ang kahalagahan ng mga alumni sa pagbibigay ng inspirasyon at pagsisilbing role model sa mga bagong henerayon ng mga mag-aaral.

Ito ay muling binigyan diin ni DepEd Schools Division Superintendent Dr. Carleen S. Sedilla bilang pagbati sa 10 “Most Outstanding Alumni” ng E. Rodriguez Jr. High School kaugnay ng 72nd Foundation Day at Grand Alumni Homecoming nung Feb. 23-25.

Pinapurihan ni Sedilla ang ERJHS community, sa pangunguna ni Principal Gina L. Obierna, at ERJHS Alumni Association, na pinangungunahan ni President Jess Asistin, sa kanilang pagsisikap na itaguyod ang positive relationship ng paaralan at alumni para na din sa kapakanan ng mga estudyante.

“Alumni are always the most loyal supporters of the school. They are like ambassadors, whose skills and experience can greatly help current students,” paliwanag pa ni Sedilla.

Magkatuwang na iginawad nina Sedilla at Obierna ang 10 “Most Outstanding Alumni” awards kina Philippine Navy Commodore Albert Mogol ng Batch 78 (military service), Monchie’s Lechon owner-manager Ramon Ferreros ng Batch 73 (business), Tany Joe “TJ”” Calalay of Batch 95 (public service), Sct. Roberto Castor at Castor family (scouting), Connie at Precy Lorenzo (education),

Jess Asistin ng Batch 76 (alumni affairs), People’s Tonight/ Taliba Sports Editor Ed Andaya ng Batch 81 (journalism), Eric David ng Batch 72 (community service), Philippine National Police Lt.

Col.Mike Gomez ng Batch 88 (public service) at dating Bureau of Fire Protection Chief Gen. Enrique Linsangan of Batch 69 (public service).
Ang naturang recognition ceremony, na itinaguyod din ng ISkin Aesthetic Lifestyle, ay naganap dalawang linggo lamang matapos mapili ang ERJHS bilang 10th top performing school sa English sa nakalipas na Division Secondary Schools Press Conference sa Quirino High School.

Ang iba pang mga tampok na alumni activities ay ang Alumni Retro Night, na kung saan nagbigay ng kasiyahan ang Righteous Act Band, sa pangunguna ni Jay Tuangco ng Batch 87; ang ERJHS Alumni Sports Club 3×3 basketball tournament; ang Batch 76 Zumba event; at sing and dance presentation ng mga kalahok na batches.

Nagtanghal din ang mga ERJHS students, gaya ng award-winning Kalinangan Dancers ni Dante Ballesteros and ERJHS Chorale Group ni Jonathan Vinluan.

Ang naturang three-day event ay bahagi ng maagang paghahanda para sa ERJHS Diamond Anniversary celebrations sa February, 2027.