El nino

Payo ng TF El Nino sa publiko: Gumamit muna ng tabo

Chona Yu Apr 2, 2024
122 Views

PINAYUHAN ni Presidential Communications Office Assistant Secretary at Task Force El Nino spokesman Joey Villarama ang publiko na iwasan mag-flush tuwing gagamit ng inidoro.

Sa halip na i-flush, mas makabubuting gumamit na lang ng tabo o balde para buhusan ang inidoro. Bukod dito, maari pang may gumamit na iba bago i-flush ang tubig.

Dagdag ng opisyal, kung maaari iwasan na rin ang paggamit ng shower at bidet.

Maari namang maligo sinuman gamit ang isang balde ng tubig.

Paliwanag ni Villarama, kailangang magtipid sa tubig dahil sa matinding init ng panahon bunsod ng El Nino.

Una nang sinabi ni Villarama na hindi isinasantabi ng pamahalaan na posibleng kapusin ang suplay ng tubig sa Metro Manila dahil bumababa na ang lebel ng tubig sa mga dam.