PBBM and first lady Sina President Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos sa burol ni SEC Commisisoner Hubert Guevara sa Antipolo City.

Pangulong, First Lady Liza Marcos dumalaw sa burol ni Guevarra

Chona Yu Apr 2, 2024
46 Views

PERSONAL na nagpaabot ng pakikiramay sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos sa naulilang pamilya ni Securities and Exchange Commission (SEC) Commissiomer at dating Senior Deputy Executive Secretary Atty. Hubert Guevara sa Antipolo City.

Dumalaw ang First Couple sa burol ni Guevara at dumalo sa isang misa.

Inalala ni Pangulong Marcos ang mabuting paglilingkod sa pamahalaan ni Guevara.

Si Guevara ay sumakabilang-buhay noong March 29, 2024 sa edad na 56 matapos ang anim na araw na pagkakaratay sa ospital.

Naglalaro umano ng football si Guevara nang atakIhin sa puso kaya’t agad itong isinugod sa pagamutan kung saan ito binawian ng buhay.