Coney Coney Reyes

Coney sa mga baguhan: Mahalin ang trabaho

Aster A Amoyo May 16, 2024
101 Views

NAGING masaya ang pag-celebrate ni Coney Reyes ng kanyang 50th anniversary sa showbiz.

Sa All-Out Sundays, sinorpresa si Coney ng kanyang co-stars sa upcoming Philippine adaptation ng hit Koreanovela na ‘Shining Inheritance’ na sina Paul Salas, Michael Sager, Kate Valdez, at Kyline Alcantara. Hinara naman siya nila Mark Bautista, Ken Chan, Garrett Bolden at Christian Bautista.

Inawit naman nila Rita Daniela at Zephanie ang favorite song ni Coney na “It’s My Turn”, ang theme ng drama anthology niya na Coney Reyes On Camera na umere mula 1984 hanggang 1998 sa RPN 9 at ABS-CBN 2.

Taong 1975 noong magsimula si Coney bilang TV host ng GMA 7 noontime show na Student Canteen with Eddie Ilarde, Bobby Ledesma and Helen Vela. Noong 1982 ay lumipat siya sa Eat Bulaga hanggang 1991.

Ilan sa mga nagawang teleserye ni Connie ay ‘Ang Munting Paraiso,’ ‘Sa Puso Ko Iingatan Ka,’ ‘Ysabella,’ ‘Rubi,’ ‘100 Days To Heaven,’ ‘Ang Dalawang Mrs. Real,’ ‘Victor Magtanggol,’ at ‘Love of My Life.’

Payo ni Coney sa mga baguhan: “Mahalin n’yo ‘yung trabaho n’yo. Learn your craft. Hindi porke nakasalang na kayo, akala n’yo magaling na kayo. Kahit kayo magaling, hindi ‘yun ang nagtatagal.

You have to improve your craft. Respect not just the famous ones, not just the popular big time names, respect everyone that you’re working with because everyone is putting in something.”

Coleen, Billy natsismis na hiwalay dahil tahimik lang

Billy
Billy Crawford, Coleen Garcia and son Amari

SINAGOT ni Coleen Garcia ang tanong tungkol sa usap-usapan na hiwalay na umano sila ng kaniyang mister na si Billy Crawford.

Ayon kay Coleen, hindi niya alam ang tungkol sa kumakalat na usapan online tungkol sa kanilang mag-asawa.

“Baka kasi tahimik kami. We are going through a major transitional phase in our lives. We’re moving houses and Billy has new businesses. Siguro kasi hindi kami nagpaparamdam online.

Sabi pa Coleen, wala silang matinding pinag-awayan ni Billy mula nang ikasal sila.

“Hindi nagkaroon ng time na naghiwalay kami o pahiwalay na. Never. Parang ever since we got married, walang naging mabigat na kasalanan sa’kin si Billy, just to be clear.”

Nito lang nakaraang buwan, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang 6th wedding anniversary.

Maja: Push to believe it

Maja
Maja Salvador and husband Rambo Nunez

RAMDAM ang excitement ng versatile actress and dancer na si Maja Salvador na makita ang anak niya sa businessman na si Rambo Nuñez.

Matatandaang Disyembre noong nakaraang taon nang kumpirmahin ng dalawa na magkaka-baby na sila.

Nitong Enero, ibinahagi nila ang ilang highlights ng kanilang gender reveal party at dito nila isinapubliko na magiging babae ang kanilang unang anak.

Sa latest TikTok video ni Maja, sinagot nito ang tanong ng isang netizen kung kailan ba talaga siya manganganak.

Hirit ng Open 24/7 star: “Alam mo, tanong ko rin yan, kailan ba ako manganganak?Siyempre kapag sinabi na ng doctor na push na, push na! ‘Di ba, baby? Push to believe it. PUSH IT TO BELIEVE IT???”

Ang bagong TikTok content ni Maja ay ginawa niya para mag-react sa mga komento ng netizens tungkol sa kanyang viral TV commercial para sa isang hair treatment product.

Base sa post ng talent management agency niyang Crown Artist Management (CAM), umani ang naturang ad ng hindi baba sa 10 million views sa Facebook.