Phivolcs

Agusan del Sur niyanig ng lindol

Jun I Legaspi Mar 14, 2022
285 Views

NIYANIG ng magnitude 4.2 lindol ang Agusan del Sur Lunes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naramdaman ang lindol alas-4:52 ng umaga. Ang epicenter nito ay 24 kilometro sa kanluran ng bayan ng La Paz at may lalim na 49 kilometro.

Nagdulot ito ng Intensity II paggalaw sa Cagayan de Oro City.