Akap baybay AKAP SA BAYBAY, LEYTE – Pinangunahan nina Leyte 5th District Rep. Carl Cari at House Deputy Secretary General Ponyong Gabonada, ang kumatawan kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang payout activity, kasama ang mga alkalde ng 5th District na sina Mayor Lemuel Gin Traya ng Abuyog, Mayor Nathaniel Gertos ng Bato, Mayor Jose Carlos Cari ng Baybay City, Mayor Manuel Villahermosa ng Hilongos, Mayor Botty Cabal ng Hindang, Mayor Rogello Pua Jr. ng Inopacan, Mayor Michael Dragon Javier ng Javier, Mayor Ronaldo Lleve ng Mahaplag at Mayor Eric Pajulio ng Matalom. Sa kanyang mensahe, iginiit ni Gabonada ang pagnanais ni Speaker Romualdez na maipagpatuloy ang paghahatid ng tulong ng administrasyong Marcos sa mga nangangailangan. Sinabi rin nito na ang Eastern Visayas, ang home region ni Speaker Romualdez, ay nananatiling top priority niya.

Mahigit 3K residente ng Leyte niyakap ng AKAP

89 Views

Akap baybayMAHIGIT 3,000 residente sa ikalimang distrito ng Leyte ang nakatanggap ng tig-P3,000 ayuda sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Isinagawa ang payout sa gymnasium ng Baybay City, Leyte, nitong Miyerkules.

Ang AKAP ay isang programa na isinulong ng Kamara de Representantes sa pangunguna ni Speaker Martin G. Romualdez kung saan ang mga mahihirap at “near-poor” o kumikita ng minimum wage o low-income earners sa informal sector ay binibigyan ng tulong pinansyal.

Pinangunahan nina House Deputy Secretary General Ponyong Gabonada, ang kumatawan kay Speaker Romualdez, at Leyte 5th District Rep. Carl Cari ang payout activity.

Nakasama nila ang mga alkalde sa ikalimang distrito na sina Mayor Lemuel Gin K. Traya ng Abuyog, Mayor Nathaniel B. Gertos ng Bato, Mayor Jose Carlos L. Cari ng Baybay City, Mayor Manuel R. Villahermosa ng Hilongos, Mayor Botty A. Cabal ng Hindang, Mayor Rogello D. Pua Jr. ng Inopacan, Mayor Michael Dragon T. Javier ng Javier, Mayor Ronaldo T. Lleve ng Mahaplag at Mayor Eric S. Pajulio ng Matalom.

Sa kanyang mensahe, iginiit ni Gabonada ang pagnanais ni Speaker Romualdez na maipagpatuloy ang paghahatid ng tulong ng administrasyong Marcos sa mga nangangailangan.

Sinabi nito na ang Eastern Visayas, ang home region ni Speaker Romualdez, ay nananatiling top priority.